CREATING MONEY MACHINES

Ano ba ang sinasabi nilang money machines?

photo grabbed from betternetworker.com

Makina ba ito na gumagawa ng pera?

Katulad ba ito ng ginagamit ng mga central banks ng bawat bansa?

The thought of making money machines came into my mind even before I finished college. Fifteen years after, meron man pero di pa rin katulad ng nasa isip ko noon. Gusto kong magkaroon ng steady flow of income na pwede makasuporta kahit fifty per cent lang ng pangangailangan ko at ng magiging pamilya ko. Hindi ko pa siya naisakakatuparan pero sa alam kong makakayanan ko. It is one of my goals for this year. To create more money machines. Five year goal is to be one hundred percent financially free.

Paano ko naman magagawa ito?

Sa ngayon may apat na sana akong money making machines na naantala ang pagbibigay sa aking pamilya ng dagdag na kita dahil kay Yolanda.

ang aking munting bukirin

Una ay ang lupa, kumikita ako dito ng 5 hanggang pitong kaban ng palay kada taon. Maliit pero kung iisipin na di ka naman na nagpagod, ay maganda ganda na din. Kung ang ani dito ay gagamitin ng pamilya ko, aabot na din ito ng 3 buwan naming kunsumo.


ang pangalawa kong traysikel

Meron din akong isang traysikel, na kumikita ng anim-na-libong piso kada buwan simula nung mabayaran ko ng buo ang motor hanggang magka-bagyong-yolanda. At simula naman sa kita ng unang traysikel nakapundar ako ng panibago na kikita na dapat simula nung Desyembre kung hindi bumagyo. Ito'y magbibigay na sana ng karagdagang tatlong-libong piso buwan buwan. Kahit ito'y mga nakatengga sa ngayon ay sa di kalaunan ay maibibyahe at kikita din ito.

buti nalang magaling syang umilag kaya me pag asa pang makabyahe

Kapag gumana ang mga money making machines ko na ito ay ang tantiya kong kikitain buwan buwan ay nasa siyam na libo. Not bad, considering na di naman kalakihan ang naipundar ko dito.

Meron pa akong isang pwesto sa palengke na ang nakapwesto ay ang pinsan kong me ukay ukay. Hindi ko pa ito napagkakakitaan sa ngayon dahil hindi ko naman sya pinaupahan. Pero ang isiping nakatulong ako sa pangkabuhayan ng pinsan ko sa ngayon ay sapat na. Dahil darating din naman ang araw na pagkakakitaan ko sya. Pwede ako ang magtinda o di kaya paupahan ko sa ibang tao.

Isang magandang naidudulot ng mga money making machines ay para maishare natin sa iba ang blessing natin. Hindi sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pera, kung hindi ang makapagbigay sa kanila ng pangkabuhayan. Sa mga traysikel ko, ang dalawang drayber. Sa munting bukirin ko, ang kamag anak naming nagsasaka doon.



Nasa goal ko ngayong taon ang makapagpundar pa ng dalawang traysikel at hopefully isang foreclosed house and lot na pwede ko mapaupahan kapag naipaayos.

Middle of the year until the end of they year ang plan na makuha ko ito. Kailangan lang ng focus at drive para maisakatuparan to.

Kapag nakuha ko itong mga goals ko ngayon, magbibigay ito ng at least Fifteen to Twenty Thousand Pesos of passive income. Very good income na, di ba?

Nakalimutan kong banggitin, meron din akong money market funds na in the near future will have greater value. Oh di ba?

If these cycle will go on until 2015, my GOAL of being Financially independent will be accomplished sooner than later.

Hope this will also guide those who are willing to be financially free in the near future.

Tara na, sabay tayong mangarap mga kaibigan.. hehe

No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *