Ang post na ito ay parang pareho lang naman sa nauna kong post. Pero dahil na rin sa request ng isang kaibigan na mas ipaliwanag ko sa kanya ng maige ang nauna kong post at sa tanong na bakit hindi pa ako nagbukas ng account para sa direct stock market investments. (I called my investment on mutual fund as indirect stock market investment and I called direct stock market investment dun sa investments thru brokers).
Ang tanong na ito na kung handa na ba akong mag-invest sa stock market ay tanong sa akin ng isang kaibigang OFW, kung bakit daw mas marami naman na akong alam sa stock market pero hindi pa ako nagsisimula. Nauna pa siyang magbukas ng account sa Citisec Online kesa sa akin. Nagbukas muna siya ng account sa TRULY RICH CLUB na nakuha niya din daw sa pagtanong tanong sa aken. Ito ang nagbukas sa kanyang isipan para pumasok sa larangan ng investment. Masaya naman ako sa kanya kahit papano ang katiting ko kaalaman ay nakatulong mapakagbukas ng isipan ng isang OFW na gastador na matransform unti unti to investor.