THE RAT CYCLE





grabbed from arunrocks.com/strongest-people-are-the-ones-with-passion



























Madami sa atin ang kumikita naman ng malaki pero bakit di makaipon?




Ang sinasabi naman ng iba, kapag nataasan ang sahod saka na mag iipon.


Pero nung nataasan biglang mas kinukulang pa.


Eto naman ang susunod excuse, mas mataas na ang sahod ko kaya dapat mas mataas na ang allowance ko sa sarili ko. Kaya ganito ng ganito ang nangyayari, paikot ikot lang at walang pinatutunguhan.



Ang dahilan daw nito sabi ng mga eksperto ay dahil ang psychology ng tao na kapag nataasan ang sahod ay mas madaming panggastos. Nasanay din tayo simula ng bata pa tayo, na kapag nabigyan ng pera ay dapat itakbo agad sa tindahan at ibili agad ng candy, chichirya at kung ano ano pa.


Kaya sa paglaki ang gagawin, bibili ng magarbong bahay para di nahuhuli sa mga kapitbahay.




Bibili ng bagong appliances, flat screen LED smart TV, ref na pagkalalaki laki at kung ano ano pa, na in return ay magbibigay ng mas mataas na kunsumo ng kuryente.


Bibili ng bagong kotse na in return will give more headache dahil sa gagastos ng gasolina at pang maintain.


Paikot-ikot na walang katpusan. That is why experts called it a rat race.


Alam niyo ba ang rat race?


Iyun oh, yung nasa picture sa taas, takbo ka ng takbo, trabaho ka ng trabaho ng walang pinatutunguhan.



Unang dahilan ay dahil hindi mo naman alam kung saan talaga ang punta mo. Wala kang plano.


Ikaw ang gumagawa ng sarili mong race track, ang race track na walang katapusan.



Gusto mong makita? Ganitong race track ang ginagawa mo.






Kahit abroad ka nagtatrabaho. Kung ang ginagawa mo sa pera o sahod mo ay tulad ng nasa taas, walang mangyayari sa iyo.



Ito rin ang isang dahilan kung bakit, pabalik balik ang ating mga OFW sa abroad hanggang sa retireable age na dun pa lang uuwi. Meron nag ti-TNT dahil takot na di na makaalis ulit ng bansa.



Pero panay pa din naman ang gastos ng mga liabilities.




OO nga, malamang mas mayaman tingnan dahil may magarang bahay.



http://tripwow.tripadvisor.com


O, mas mayamang tingnan dahil may magarang kotse.



Ang tanong kapag ba nawalan ng trabaho, makakayanan pa rin bang tustusan ang ganyang lifestyle?



Hanggang kailan pwedeng lumagay sa ganyang lifestyle? Isang taon? Isang buwan o baka wala pang isang linggo hirap ka na?




Hindi kaya ibenta ang mga yan kapag nawalan ng regular na income?


Kaya importante ang malaman natin kung paano tayo makakalabas sa tinatawag na rat race.




Eh, papaano nga ba tayo makakalabas sa rat race na iyan?



Marami nang kwento ang alam nating hindi maganda ang nangyari. Simula sa mga artista, boksingero at madami pang ibang personalidad na kumita ng malaking halaga na nalugi. Mga lotto winners na naging mas miserable pa ang buhay pagkatapos nilang manalo.



Pero kung gusto mo talagang makalabas ay magagawa naman talaga. Dahil may mga kwento din ng mga taong nagsimula sa wala at naging mayaman.



There are the so-called rags-to-riches stories.



So gawa ka din ng iyong sariling rags-to-riches story.



Habang nagtatrabaho, maglaan ka ng kaunting pera galing sa kita mo at ilagay mo sa financial freedom fund mo.



Kapag nataasan ka ng sahod. Huwag mong dagdagan ang gastusin mo bagkus dagdagan mo ang inihuhulog mo sa FINANCIAL FREEDOM FUND mo. Discipline is the key, ika nga nila.




Stay at the lifestyle you currently have. Ang masosobra put it in your savings account at palaguin ito.




Habang nasa stage ka ng pag iipon, study where your strengths are. Find jobs where you excel at, or jobs you enjoy the most especially if you hate the job that you have now. Jobs that you will love to do even if you will not be paid. But if you can't afford to lose the job at the moment, ito ang gawin mo. I-ENJOY MO ang trabaho mo.




In the meantime. Study about the art of investing, may it in pooled funds (mutual funds, UITF, atbp), stocks, time deposits. Mag aral kahit gamit ang internet lang. Search mo lang kay uncle GOOGLE ko at handa ka niyang sagutin.




In no time, magugulat ka nalang na madami ka na palang pera, knowledge, at ideas o money making machines na magbibigay sa iyo ng passive income.




Kung ang passive income mo ay lumagpas na sa needs mo at ng family mo, wala ka ng pressure sa trabaho at anytime pwede ka ng magresign kasi may pagkukuhanan ka na para sa pangangailangan mo.




Pwede mo nang sigawan ang bisor mo o ang amo mo ng YOU'RE FIRED.




Wooohhh, kahit malayo layo pa ang lalakbayin ko para kay FREEDOM na iyan. Excited na ako.




Let's go na sa Financial FREEDOM. Sumama ka na. Isama mo rin ang mga kamag anak at kaibigan mo. Ishare sa facebook para mabasa rin nila. Malay mo may mapulot din sila OFW man o locally employed.


PS:

Gusto mong matuto paano ka makakapag umpisa makaipon ng may Fixed na 12% interest rate? Send me a message





4 comments:

  1. Nice blog. Keep up the good work and continue to inspire other people like me :)

    ReplyDelete
  2. thanks bro, kept me inspired too knowing that someone has appreciated my work... still hoping here that my story will inspire more... still learning pa rin ako from experts to fellow OFW... appreciate your comments bro...

    ReplyDelete
  3. Hey, blog-hopping here. Like you, I am an OFW too, aiming to be home for good very soon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa pagbisita brod... yan din pangarap ko ang makauwi na for good asap..

      Delete

Contact ME

Name

Email *

Message *