Bakit kaya paborito nating mga pinoy ang pumasok agad sa investment, kahit di pa nakakapag establish ng tamang foundation sa kanilang financial life?
Pero nakakahanga din kahit papano na nagbago na din ang pananaw ng karamihan sa atin.
Madami na ang gustong pumasok sa larangan ng investments.
Hindi nalang puro telenobela sa ABS-CBN, The LEGAL WIFE daw sabi pa ng isang kasamahan ko sa trabaho.
Ang iba naman, gusto makabili agad ng condo, para daw meron magdadala sa kanila ng food na parang Deniece Cornejo, Vhong Navarro at Cedric Lee lang ang epek.