STRATEGIES OF BUILDING WEALTH







Handa ka na ba talagang maging investor?


Paano ba masasabing ang isang tao ay handa ng maging investor?


Kailangan ba talagang paghandaan ang pag-iinvest?


Baka naman pwede nang mag-invest nalang agad.


Ito ang madalas kong maitanong sa sarili ko nung unang nagbalak akong pumasok ng investing. money market man o properties.




Sa kagustuhan kasi natin makaangat agad sa buhay, iyong mga nakikita natin sa mga mayayaman, o naririnig na ginagawa ng mga mayayaman ay gusto nating gawin din agad, which is mag-invest.


Ang mga mayayaman kasi nag-iinvest sa negosyo, nag-iinvest sa stock market, nag-iinvest sa mga lupa't bahay at kung ano-ano pang investment.







Kaya ang isip ng karamihan, kapag nag-invest yayaman na din.


Tingnan natin kung itong natutunan ko sa isang institusyon na naglalayong mapalaganap ang FINANCIAL LITERACY sa bawat pamilyang Pilipino ay may katuturan.


Umpisahan natin.


1. EMERGENCY FUND.


Bago mag-isip ng pag-iinvest, dapat meron nang nakatabing EMERGENCY FUND, ito'y batay sa lahat ng financial literacy advocates sa internet man o sa mga librong mababasa.



Bakit? Maraming dahilan kung bakit kailangan ng emergency fund. Tingnan natin ang isang posibleng senaryo ng isang may investment ngunit walang emergency fund.



May nagkasakit sa pamilya at kinakailangan dalhin sa ospital. Ang masaklap kailangan ng ospital ng downpayment para sa agarang lunas na isasagawa. Saan kukuha ng pambayad? Sa investment. Paano kung bagsak ang value ng investment? Mawiwithdraw ang investment ng palugi kasi kailangan na kailangan.



Marami pa ang pwedeng mangyari na hindi natin inaasahan. Kagaya ng pagkawala ng trabaho, pagkawala ng mahal sa buhay. Bagyo, lindol, baha at kung ano ano pang sakuna na hindi natin inaasahan pero pwedeng mangyari.


Ito ang mas magandang pagsasalarawan ng magandang dahilan kung bakit kailangan ng EMERGENCY FUND. BURNGUTIERREZ.COM



2. CONSOLIDATE (zero-out) DEBT


Sandali, madami ka bang utang?


Kakainin lang ng interes ng utang ang emergency fund o di kaya investment mo.


Please lang kung may high-interest debt ka, unahin mo munang bayaran.


Ang unang dahilan dito ay ang pagkakaron mo ng peace of mind.


Lalo kung ang utang mo ay sa credit card.


Sa Pinas ang pinakamababang interest rate na alam ko sa credit card ay 2.75% per annum. Pinakamababa pa iyan ha, paano pa ang regular na credit card na nasa 3.5-4% per annum.


Mas matindi pa pala ang mga utang natin sa mga kaibigan nating bombay. Payb/siks ika nga, 20% yan kaibigan.


Kung ikukumpara natin ang utang mo nasa 35-240% interest per annum, whereas ang investment mo ay kikita ng 10-15%. Just do the math at iyan ang dahilan kung bakit kailangan unahin mong bayaran ang utang.


Meron naisulat dito tungkol sa pagbabayad ng utang. (iclick ang underlined words for the link)



3. INSURANCE

Ito ang isa sa mga salitang kapag naririnig ay bigla tayong nagkakaroon ng allergy. The big question we ask is, why get insurance kung iba naman ang makikinabang.


Pero isa sa mga dahilan kung bakit natin gustong yumaman sa pamamagitan ng pag-iinvest ay para sa pamilya natin?


Ang kaibahan kasi ng insurance sa investment ganito kasimple, sa investment kung gusto mong makapag iwan ng 100 thousand pesos sa pamilya mo dapat ang investment mo nasa 100 thousand na din ngayon. Sa insurance ang 1,000 pesos mo posibleng 100 thousand ang mapupunta sa pamilya mo.


Here is one good article from www.investopedia.com about life insurance.


4. HEALTHCARE


Ever wonder why companies give health card? Kasi alam nilang pwedeng magkasakit ang kanilang mga empleyado. Na kung walang pambayad sa ospital ay pwedeng makaliban sa trabaho na meaning maantala ang production o ang trabahong dapat nakalaan sa nagkasakit na empleyado.


Kung inaalagaan ng mga kumpanya ang mga empleyado nila, di ba mas dapat alagaan ng mga empleyado ang sarili nila? Lalo na ang self-employed dahil walang kumpanyang magbibigay sa kanila ng healthcard. Sila din ang walang sick leave, kung hindi sila magtatrabaho walang papasok na pera sa bulsa.


Kapag nagkasakit, malamang ubos ang pinaghirapan. Kapag may healthcard minsan wala ng binabayaran.


Ang healthcard ang magsasalba ng emergency fund at investment. Ito rin ang magiging instrumento para makaiwas mangutang kung magkakasakit.


May mga long term healthcare na nasa market ngayon. Mas maganda ang ganitong produkto dahil ang mga binibigay ng kumpanya ay babawiin kapag hindi ka na nagtatrabaho sa kanila.



Ito ay isang blog na may mas magandang paliwanag sa kagandahang maidudulot ng healthcard. www.moneymakershub.com



Ito ang mga payo sa akin simula sa mga mentors ni Bro Bo Sanchez hanggang kay Bro. Bo Sanchez mismo. Sa blogs ng mga pinoy at foreign authors. Sa mga libro about investment at personal finance. Sa seminar ng IMG, wherein dito ko natutunang sinupin at palaguin ng unti unti ang kinikita ko.

Sana makatulong para sa mga nagtatanong kung paano ang magandang gawin bago mag invest.

Happy saving and investing.






No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *