PAY YOURSELF FIRST / HOW TO SAVE THE EASY WAY




Meron naman palang easy way to save. Eto ang narinig ko sa kanila. Noong una hindi ako naniniwala. Sinubukan ko. Madali lang pala talaga. Iyon nga lang kailangan mo talaga ng disiplina. Pero kapag may pangarap ka, madali mong magagawa kaya dapat di mo sya dapat iwaglit sa iyong isipan kahit nasa shopping mall ka na.



Sanay akong kapag may nakikita na mga murang gamit na kung ano ano lang kesyo barya barya lang mabilis kong binibili. Madami nga akong nabibili at totoo naiipon nga sa kwarto ko kaya naisipan kong kung hindi ko ito binili at itinabi ko nalang ang pambili ko madami na pala akong cash.



So naisip ko, how can I change this spending habit to savings? Ang ginawa ko, kapag may nakita akong gusto kong bilhin at tingin ko kaya ko, itatanong ko kung kelangan talaga at kung sa tingin ko hindi, me dala na akong maliit na purse para dun ko ilagay ang perang pambili ko sana.



Noong naumpisahan ko ang ganitong style ng pagsave hanggang sa lumipas ang mga araw na patuloy ko syang ginagawa napansin ko nalang na lumulobo na ang lagayan ko ng perang dapat sana ay naibili ng kung ano ano. Noong binilang ko, aba pwede na pala pambili ng mamahaling sapatos na may tatak na parang nakabuka ang mga paa. Kagaya ng mga binibili ng mga kaibigan ko na di makabili ng sapatos kung hindi daw de tatak. Pero hindi, naisip ko pwede na pang umpisa ng Easy Investment Plan sa Citisec Online o di kaya sa Mutual Fund.



So paano nga ba para mas madali. Una may simpleng formula.



Pagkatanggap ng sahod ko, since mahirap makipag usap sa mga banko dito sa Korea imbes na autosavings sana na gusto ko sanang mangyari, ginawa kong automatic akong maghuhulog ng 5 percent sa sahod ko sa isang bank account ko. Ang sabi ng mga mentors ko dapat 10 percent o kung di mo pa kaya pwede na ang 5 percent. Masunorin lang naman ako kaya 5% muna. (LOL ika nga sa Facebook)




At yung maiiwan sa pinapadala ke kumander in chip sa Pinas, yun ang aking pagkakasyahin.



Suma tutal, ang naging formula ko for success sa ngayon ay ganito



Income - 5% savings - allowance sa Pinas at sa ibang investments = Panggastos sa Korea (less dito ang mga nailalagay ko sa discipline bank ko)



Sa loob ng isang taon ang nabuo kong savings ay umabot na sa 390,000 won, ito ang galing sa pakurot kurot sa mga bibilhin ko sana na walang wenta. Aba, lagpas kinse mil na din pala yun.



Sa 5% ko naman, aba nung magka YOLANDA (talagang pinalaki ko si YOLANDA kasi supertyphoon nga sya) sa laki ng naipadala ko sa Pinas para makabili ng pagkain sa mga kamag anak, kaibigan, kapamilya at kapuso. Ginawa ko kasi syang Emergency Fund at kada nalagpas sa target kong Emergency Fund nailalagak ko sa mga nabiling maliit na negosyo na pwedeng kumita.



Ngayon back to zero ako sa EF savings account ko, pero laking pasasalamat ko dun dahil isa iyon sa nagligtas sa buhay ko sa pag aalala sa mga nasalantang kapamilya.




Paano kaya kung hindi ko natutunan ang napaka easy way ng pagsisave? Malamang katulad ng mga kaibigan ko KABUL CHUSEYO (pautang po) ang tinakbuhan ko. Napakasimpleng paraan ngunit mahirap umpisahan.



No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *