AM I READY TO INVEST IN THE STOCK MARKET?




Ang post na ito ay parang pareho lang naman sa nauna kong post. Pero dahil na rin sa request ng isang kaibigan na mas ipaliwanag ko sa kanya ng maige ang nauna kong post at sa tanong na bakit hindi pa ako nagbukas ng account para sa direct stock market investments. (I called my investment on mutual fund as indirect stock market investment and I called direct stock market investment dun sa investments thru brokers).



Ang tanong na ito na kung handa na ba akong mag-invest sa stock market ay tanong sa akin ng isang kaibigang OFW, kung bakit daw mas marami naman na akong alam sa stock market pero hindi pa ako nagsisimula. Nauna pa siyang magbukas ng account sa Citisec Online kesa sa akin. Nagbukas muna siya ng account sa TRULY RICH CLUB na nakuha niya din daw sa pagtanong tanong sa aken. Ito ang nagbukas sa kanyang isipan para pumasok sa larangan ng investment. Masaya naman ako sa kanya kahit papano ang katiting ko kaalaman ay nakatulong mapakagbukas ng isipan ng isang OFW na gastador na matransform unti unti to investor.







Ang ginawa namin sunod ay review sa kanyang FINANCIAL FOUNDATION. Kasi para masagot ko ang tanong niya kung bakit hindi pa ako nag-uumpisang mag-invest directly sa stock market ay dahil hindi ko pa nabubuong muli ang aking FINANCIAL FOUNDATION. Maayos na ito bago nagkaron ng bagyo and forms and cash were ready at naka-schedule na syang ideposit the sunday after rumagasa si aling YOLANDA.




Going back sa topic (parang lalayo na naman tayo dahil kay yolanda), nalagas ang pundasyun ko financially the time when I was most ready to start the journey sa stock market. Me mga nakaplan na din kami ni misis aside from stock market so I have to consider kung alin ang isasakripisyo namin dun sa mga nakaplano and the latter was the one chosen na ipagpaliban. Hindi ko rin masabi kung wise move ba ito, pero sa takbo ng aking finances ngayon, I can say maganda naman ang naging resulta.




Sa baba, ipapakita ko ang aking paliwanag, ito rin ay magiging review namin, dahil gusto niya na mas maintindihan pa daw. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero subukan ko na din baka nga meron pang hindi malinaw sa aming pag-uusap kagabi.







THE SOLID FINANCIAL FOUNDATION



Bago dapat pumasok sa larangan ng pag-iinvest, may it be real estate, mutual funds, stock market o anupaman, we should consider muna na maitatag muna ang matibay na financial foundation. Based on my research o pagbabasa sa mga libro at sa internet, which by the way started noong una kong kontrata bilang OFW, bago ka pumasok sa mundo ng investing, you should build a solid financial base.





Katulad ng paggawa ng isang matibay na bahay, dapat unahin munang patibayin ang pinakababa o ang pinakapundasyon.





1. Unang unang gawin ay dagdagan ang nasisave na pera. Dalawang bagay ang pwede nating gawin, pwedeng bawasan ang gastos o kung hindi na kayang bawasan ang gastos, dagdagan ang income. Sabi pa nga nila kung maigsi ang kumot matutong mamaluktot. Sabi ko naman, kung maigsi ang kumot, maghanap ng mas mahabang kumot. Pwede naman di ba?





Ito lang naman ang simpleng math sa pag-iipon, dapat ang gagastusin mo mas maliit kesa sa kikitain mo. Kung kumikita ka ng 500 kada araw dapat hindi ka tataas sa 499 sa gastos mo. Turo ng financial advisers ni Bo Sanchez gumamit ng 10-20-70 principle.





Ano itong 10 - 20 - 70 principle? Kung ikaw ay kumikita ng 100 pesos, ang 10 pesos ay dapat para sa TITHING. Sa mga hindi spiritual o relihiyosong tao, ang ginagawa nila ay nagbibigay sa komunidad na higit na nangangailangan. Ang 20 pesos ay dapat isave at later on magamit na pambayad sa mga susunod na steps. Ang simpleng savings step na ito ay ang pinakasimple pero pinakamahirap gawin na mostly kapag hindi magawa ay surely hindi rin maabot kahit pa gusto mong i-skip ang ibang step. Hindi ka naman makakapag-invest kung walang sumusobra sa kinikita mo.




2. Kung meron ka ng extra sa kinikita mo next thing to build is your healthcare insurance o yung tinatawag nilang healthcard o HMO. Ano nga ba ito? Ito ay isang type of insurance na designed na magbigay sa iyo ng pambayad sa ospital just in case magkasakit ka. Ang philhealth ay parang HMO din, mas mababa ang babayaran mo dito pero mas maliit din ang magiging return in case kailangan mong maospital. Ang mga healthcard naman from private entities usually ay mas mataas ang premiums pero mas mataas naman ang makukuha mo just in case you needed it. One of the best healthcare insurance na maisasuggest ko ay ang long term insurance na pwede mong magamit sa iyong pagtanda. Sa US madalas natin itong marinig na ang matatanda ay may ganitong insurance kaya afford nila to pay caregivers na hindi kelangan ang mga anak ang magbayad. Meron tayong ganitong klase sa Pinas na ready sa market kelangan lang hanapin kung wala pang lumalapit sa iyo na meron na nito.




Bakit ito ang dapat sunod na paghandaan? Simple lang ang kasagutan, binabayaran ka ng kompanya mo dahil sa trabaho mong naibibigay, kung ikaw ay magkakasakit at hindi makakapasok sa trabaho sa mga panahong iyon, hindi ka naman babayaran ng kumpanya mo di ba? Hindi mo naman pwedeng sabihin sa ospital na di ka magbabayad kasi hindi makakakain ang pamilya mo dahil wala kang sinasahod. Pero kung may healthcare insurance or HMO ka, kahit papaano ay mababawasan ang bayarin mo sa ospital. O kung sa pagtanda mo ito magagamit, at ang iyong healthcare ay malaki ang fund, baka wala ka ng bayaran.




Imagine, kung wala kang healthcard at bigla kang naospital. Meron kang 1 milyon peso na pinuhunan at pinapaikot sa investments mo, kaso nung time na ito bagsak ang merkado. Malamang sa hindi, kukunin mo ang investments mo kahit palugi. Para maiwasan ang ganitong scenario, kaya kelangan magtatag tayo ng healthcare o HMO.




3. Kung meron ka ng HMO o healthcare, don't rush yet sa pag iinvest. Baka naman may utang ka sa credit card o much kung sa bombay.



Tingnan natin ang aritmitic dito.



Meron kang utang na nag-iinteres ng 3.5% sa sang buwan, sabihin na natin na hindi sya nagcocompound monthly, sa isang taon may 42% (12*3.5% per month) interest na kelangan mong bayaran.



Nagsimula ka na mag-invest at ang pinakamaganda mong kinita ay 20% ang average return in one year.




Ang utang mo ay nag-iinteres ng 42%, ang investment mo ay kumita ng 20%. Lugi ka pa ng 22%. Kung binayaran mo muna ang utang mo, you should have prevented a loss of 22% at pwede mo pang isipin na automatic gains mo na yun.




4. Ayan bayad na ang mga utang, Pwede na ba? Me emergency fund na ba?



Bakit naman kelangan yun?



Dahil hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari at kung kelan. Walang tao ang gusto ng emergency, pero walang taong nakakaalam kung kelan ang emergency.



Paano nalang kung katulad ng isang kaibigan na natanggal sa trabaho, he was earning a hefty paycheck at around 150k pesos sa isang buwan. Sa taas ng sahod nya, tumaas ang kumpyansa at tumaas din ang lifestyle. Nuong nangangailangan sya ng pera, bagsak ang presyo lahat ng investments nya. Pero may pera naman sya, talo nga lang ng 40% sa investments nya, which was around 250k pesos daw. If he had saved kahit 100k man lang, sabihin na natin na 40k ang kelangan ng pamilya nya. Meron syang 2.5 months to spare para makahanap ng panibagong trabaho. At maisasalba nya ang talo nya.



5. Ito na Investment time na. Yehey.



Ang tanong, alam ba natin ang goals natin for investing?



Handa ba tayo na kahit malugi ng 50% ang milyunes natin eh hindi tayo maapektuhan?



Mag research about setting goals before investing, para di magkamali ng desisyun.



Ito pa ang isang suggestion, sabi ni Sir Aya Laraya ng pesos and sense, "ARAL MUNA BAGO INVEST'



Pwede kitang bigyan ng one-on-one financial check-up para mabigyan ka ng tips based on your goals and funds, i-email lang ako sa bugs052603@yahoo.com



Kung me mga napulot kang aral, i-share ang blog ko sa iba, baka sakaling makatulong. Kung wala, pakishare na rin para may kritiko ako. Salamat.










No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *