BAKIT MAHIRAP MAG-IPON?




Image courtesy of FreeDigitalPhotos.net
Bakit nga ba nahihirapan tayong mag ipon?

Isa sa mga dahilan ay ang HABITS natin pagdating sa pera. Simula noong halos naipanganak palang tayo ay naituro na sa atin ito. 

Siguro ang tanong mo, paano mo nasabi yun? Eto ang paliwanag dyan.

Noong mga bata pa tayo madalas pag binigyan tayo ng piso, ang gagawin natin? Pupunta ng tindahan at bibili ng candy o biskwit hanggang maubos ang piso. Nung nagkinder tayo, may baon na tayo na tinapay at barya na dapat maubos din bago tayo umuwi.

Ibig palang sabihin, kumbaga sa computer, naiprogram sa isip natin na kapag may pera dapat ubusin. Naging ugali natin na pag may pera tayo dapat maibili agad at mawala agad ang pera na iyon sa ating mga kamay? Ngayon siguro napapatango ka, at masasabi mo pa, may tama ka nga.


Isa pa sa mga dahilan ay ang pagkahilig natin sa mga bagay na nakikita natin sa ibang tao at bigla nating maiisip, maganda yun, gusto ko din ng ganun. 

Pinakamagandang halimbawa nito sa panahon ngayon ay ang cellphone. 

Bumili tayo ng cellphone last year lang. Galaxy s3 or iphone 4. Eh ngayong taon lumabas ang s4. Eto na naman, nagkumahog na naman tayo. 


Kahit walang pambili, naisip na may bonus sa pasko, naisip ang bombay. Nangutang na kasi lumabas na ang s4.


Iniisip din natin na ang mayaman ay ang mga katulad nila Michael Jackson, Mike Tyson, at ibang mga nakikita natin sa TV na nakatira sa mga mansion na ang akala natin ay wala ng problema kasi ang gagara ng mga sasakyan at mga bahay. Ang di natin alam ay mas madami pala silang problema.


Noon hindi ko lubusang naiintindihan ang sinasabi nila na count your blessings. Huwag ko daw tingnan ang iba at bigyan ko nalang ng pansin ang mga blessings ko. Pero nagbago ang lahat nung napanood ko ang documentary about how broke some of the Hollywood stars are.


Isang nagmulat din sa akin sa katotohanan ang kwento ng isang kaibigan kong doctor. Inggit na inggit ako sa kanya noon kasi may 2 siyang kotse, laging bago ang cellphone, may 3 credit cards, pag nag mall uuwi lagi na madaming plastic bag na dala. Pero bigla nalang nagkwento sya na nag aral siya ng welding para makapag abroad. Imagine, isang dentista at ganun din ang kanyang asawa na kumikita ng lagpas 100,000 pesos sa isang buwan, mag aabroad, at naghihirap pa na mag aral magwelding, nagkakapaso paso sa mga flux, nagtitiis sa usok ng welding para makaalis ng bansa at magkaroon daw ng magandang buhay.



Ang iniisip kong me magandang buhay ay may mas malaki pa palang problema. Naikwento niya, ang bills nya sa kuryente ay 4,000 hanggang 5,000 isang buwan. Ang kotse nya, kelangan nyang bayaran ng 36,000 buwan buwan sa loob ng 5 taon. Ang kanyang condo unit ay binabayaran nya ng 18,000 kada buwan. Gamit ang aking isip, abot yata kako ng 60,000 na ang kanyang bayarin, wala pa ang pagkain, tuition ng kanyang anak na nag aaral sa private school, gasolina para sa kanyang 2 sasakyan, kuryente, tubig, kain sa labas at iba pang gastusin. Bigla kong naisip, mas mahirap pala sya sa akin. Mahirap dahil sa tindi ng kanyang bayarin, kung nasa katayuan nya ako, di ako pwedeng tumigil sa kayod marino para mabayaran ang lifestyle na meron sya.



Doon ko naisip na napakaswerte ko din pala, kahit wala akong kotse, wala akong sakit ng ulo sa dami ng iisipin na mga bayarin.



Sabi pa nga ng isang mentor ko, simplicity is true way to be rich and wealthy.






No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *