PROTECTING MY MONEY

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi tayo makaipon ay ang kakulangan natin sa pagdepensa natin sa pera natin. Minsan nakakaipon na tayo ng pera ng biglang nagastos nalang natin. Isang pinakamatindi nating kalaban pagdating sa pag iipon ay ang sarili natin. Nandiyan din ang mga kaibigan at kamag anak na kapag naamoy na may pera tayo, siguradong may manghihingi, manghihiram, mangungutang.

So, paano ko gagawin ito? Noong nasa Pilipinas ako at nagtatrabaho sa isang Japanese firm (electronic company), naisip kong magbukas ng savings account. Passbook savings ang kinuha ko para sigurado akong hindi ko sya mawiwithdraw ng ganun ganun lang. So ang disiplina nalang na kailangan kong gawin ay ang siguruhin kong makakapaghulog ako kada sahod.

Paano ko naman ito ginawa? Hindi ko alam noong una na pwede palang mag automatic savings galing sa nakuha mong sahod. Ang ginawa ko, since ang kapitbahay ko ay may bisnis at araw araw naman syang naghuhulog sa banko at swerte ko na dun din sa bankong napagbuksan ko. Kada pagkakatanggap ko ng sahod, pinapadala ko na ang pera ko at passbook sa kanya para maihulog niya sa account ko.

Sumasahod ako noon ng P4,000.00 every kinsena at ang para sa savings ko ay P500.00. Kapag may bonus, may extra P500.00 ako na inihuhulog. In 1 year may P6,500.00 ako. Hindi rin nakafix na P500.00 lang ang hinulog ko nung pangalawang taon kaya in 2 years may P20,000.00 na ako mahigit.


Sa ganitong paraan, kahit mamasyal ako sa mall, kahit may sale hindi ako makakagastos ng hindi ko kailangan dahil nasa banko ang pera ko. Wala din mangungutang sa akin o manghihingi kasi wala naman silang nakikitang pera sa akin. Kaya lumago ito ng unti unti.

Noong una parang hesitant akong mag umpisa, kasi iniisip ko kung magkakasya ba ang matitira. Ito ang marahil karamihan sa atin ang iniisip. Lalo iyong iba na kahit gaano kalaki ang kinikita ay kinukulang pa rin. Pero naisip kong kailangan kong makaipon kaya kailangan kong umpisahan. Sa awa ng diyos naging maganda din naman ang resulta. Noong mga panahong iyon ang P20,000.00 ay parang isandaan libo na siguro sa ngayon kaya para sa isang empleyadong tulad ko maganda ganda na din.

Pero nagkaroon ng problema, noong may P20,000.00 na ako mahigit. Inisip ko na dapat kong mapalago ito ng mabilis. Dito pumasok sa isip kong magbuy and sell. Bibili ako ng kung ano anong pwede kong maibenta ng may konting tubo. Kukuha ako ng konti tapos ibebenta ko. Dito pumasok ang problema, sa mga nabibili ko, hindi ko lahat naibibenta, ang nangyayari nakatambak lang sa bahay at para madispose minsan pinamimigay ko nalang sa mga kamag anak at kaibigan. Ang masama pa minsan nagagastos ko ang pera since hawak ko siya.

Isang malaking leksiyon iyon para sa akin. Kaya naisip kong malaki pa ang kailangan kong pag aralan pagdating sa retailing at sa pagdidisiplina sa sarili ko kapag abot kamay ko ang pera.

Ang next strategy ko ay ituloy ang nag work na strategy. Bumalik sa pag open ng account na hindi ko dali daling makukuha ang pera. Maghanap ng ibang paraan ng pag iipon kung saan mas madaling makakuha ng mataas na interes ang ipon ko. Mag isip ng ibang business wherein hindi ko kailangan mag retail. Para sa pagdating ng panahon kahit di ako magtrabaho mayroon mga makinaryang magtatrabaho para magkaincome. Ito ang tinatawag nilang money machines.


Sa susunod, ang paggawa ng mga money machines ang ating tatalakayin dahil ito ang isa sa mga plano ko ngayong 2014. Ang magkaroon ng at least 3 money machines. Kahit di kalakihan ang kitain, basta ipunin lang, malaking tulong ang maihahatid nito.

Wish me luck on this journey.

No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *