HE IS CERTAINLY A WEALTHY KID with A GOLDEN HEART



photo credit: www.shutterstock.com
Ito ay kwento ng isang bata na 10 taong gulang.



Noong siya ay nasa edad 6 na taon, inaya sya ng kanyang tita na kumain sa jollibee.  



Tuwang tuwa siya at siya ay nagmadaling nagbihis. 


Kakain sila sa kanyang paboritong kainan. Silang dalawa lang ng kanyang tita ang umalis. Ito ay pakain ng kanyang tita dahil nakatanggap ang huli ng allowance galing sa kanyang OJT.




Pagdating sa Jollibee ay umorder ng paboritong spaghetti at chicken. Ganado siyang kumain pag nasa lugar na iyon. Iyon nga daw ang peborit nya. May pa hmm-hmm pa siya habang kumakain.



Noong natapos sila ay sinabi ng kanyang tita na sila ay uuwi na. Nagtanong ang bata, "Tita, pwede po ba tayo bumili ng hamburger, ititake out po natin?". Pumayag naman ang huli at bumili ng isang hamburger.



Ang nasa isip pa ng kanyang tita ay pasalubong ito para sa kanyang Lola.



Pagkalabas nila, inabot bigla ang dalang hamburger sa mga batang naglalaro sa labas ng kainan. Pagkatanggap ng mga ito ay hinati hati nila para lahat makakain.



Noong tinanong ng Tita kung bakit ibinigay, ang sagot ng bata, nakakaawa kasi sila. Baka po nagugutom sila.


Akala ko pasalubong mo ke Lola Inay mo yun. "Hindi Auntie, para sa kanila yun kasi si Lola Inay nakakapunta din naman sya ng Jollibee."


Noong naikwento sa akin ang tungkol dito ay wala akong magawa kundi ngumiti at magpasalamat sa Itaas sa laki ng puso ng munting anghel naming ito. Hindi man nakaangat sa buhay ay naging maalalahanin sya sa mga taong nasa paligid lalo sa mga nangangailangan.



Kung ang isang bata ay nakakaisip na ng ganitong simpleng pagtulong sa kapwa at gagawin din ng mga nakakatanda, walang duda magiging maunlad hindi lang ang buhay natin kundi pati ng ating bansa.


Itong kwentong ito ay hango sa totoong pangyayari.


Hindi kaya lahat tayo ay may ganitong ginintuang puso?


Dahil ito ang tunay na kayamanan ng isang tao. Ito ang kahit kailanman ay hindi pwedeng nakawin ng ibang tao sa iyo. Pilit man itong nakawin ng iba, ikaw lang ang magbibigay ng susi sa kanila dahil kahit anong klaseng pagpipilit ang gawin ng ibang tao hindi ito nila kayang buksan ng wala kang pahintulot.


Ang aking pangarap hindi lang sa anak ko, kung hindi pati na rin sa akin at sampu ng mga nakakabasa nito na lumabas ang pagiging wealthy kids natin with that golden heart.


May pag-asa pang magbago ang mundong ginagalawan natin. One Kid (at kids at heart) at a time.


Gawa ka ng isang makabuluhang gawain ngayong week na ito sa isang taong hindi mo kakilala o kaano-ano ng walang kapalit at namnamin mo ang sayang maidudulot nito sa sarili mo.


I hope na nainspire ka sa kwento ng batang may ginintuang puso, ishare mo ito para makainspire ka din sa iba.


I-like ang ating facebook page by clicking the like page sa taas.



No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *