BAKIT IMPORTANTE ANG INSURANCE




photo credit: www.freedigitalphotos.net



FOUNDATION OF LIFE INSURANCE

IMPORTANCE OF INCOME

Bakit tayo nagtatrabaho?

Nagtatrabaho ang tao dahil kailangan nyang kumita ng pera. Kailangan natin ng pera para mabili natin ang mga kailangan natin, ang mga pangarap natin at ng ating mga minamahal. Ang bawat isa sa atin ay nagsusumikap na maibigay ang BEST para sa ating mga mahal sa buhay. Ganun ka importante sa bawat isa ang INCOME.

Ano ano ang sources of Income:

  • Man at work
  • Money at work
  • Donations/Charity

HAZARDS TO INCOME
Madami ang risks sa buhay natin. At bawat risk ay pwedeng makapagpatigil ng income at cash flow ng ating income earner o breadwinner.

  • DYING TOO SOON - pag biglang nawala ang ating provider o breadwinner, titigil din ang income na papasok sa pamilya, pero ang masakit na katotohanan ay hindi naman titigil ang pangangailangan ng pamilya.
  • LIVING TOO LONG - hindi tayo habang buhay malakas, darating ang panahon na wala nang tatanggap sa atin para magtrabaho, ang mas masakit nito mas malaki na ang pangangailangan natin dahil maliban sa pagkain ay may maintenance tayong gamot.
  • DISABILITY - ito ang pinakainaayawan ng bawat isa, ang hindi na makagalaw para makapaghanapbuhay.

LIFE INSURANCE AS THE SOLUTION TO THE HAZARDS OF INCOME
TYPES OF LIFE INSURANCE PLANS


Temporary/Term - Protection only
Permanent - Protection + Savings (Cash Value/Dividends)
Unit-Linked - Protection + Investment


Bakit nga ba kailangan natin ng INSURANCE?


1.  Para protektahan ang ating income.
  • Ang income natin ang bumubuhay sa atin ngayon, pag kinailangan natin dahil sa medical emergency o pinakamasama ay pagyao ng ating breadwinner, walang income na papasok pero tuloy-tuloy pa din ang pangangailangan ng pamilya. Dito papasok ang insurance sa pamamagitan ng kapalit ng income.
2. Para may maiwan tayong ipapamana sa ating mga anak.
  • Sa panahong ang breadwinner ay nagbi-build palang ng kanyang ipon, posibleng may mangyaring hindi maganda, ang insurance ang pwedeng magbigay ng pamana sa maiiwan. Isang maganda at mas murang paraan para may maipamana ay sa pamamagitan ng insurance. Halimbawa, kung gusto na may maiwan sa pamilya na 1 milyon, sa mas murang halaga pwede makapagpamana sa maiiwan. Pag investment mo ang iniwan mo, kung magkano lang ang investment ay yun lang ang makukuha nila.
3. Pambayad ng utang.
  • Isa sa mga alam nating paraan para mawala ang utang ng isang tao ay kapag namatay na ito. Malamang totoo ito sa "tao sa tao" na usapan. Pero kapag ang isang tao ay may utang sa isang institusyon o banko, maaring kunin ng kanyang pinagkakautangan ang ilan sa mga properties nito na nakapangalan sa kanya. Click mo ito www.lawphil.net  dahil dyan mababasa ang mga linya tungkol sa pwedeng maghabol kung ang yumao ay may utang kanino man.
4. Protektahan ang mga mahal natin sa buhay.
  • Sa isang sole breadwinner, kailangan talaga ang insurance coverage. Kung mawawala ang breadwinner, saan pa kukuha ng pang-araw araw ang pamilya mo lalo kung ikaw ay wala namang maiiwan na ? Sa hirap ng buhay ngayon sa Pilipinas, malamang kahit ang mga kamag-anak mo ay mahihirapang pakainin ang pamilya mo. So, better if may maiiwan ka, hindi man ito panghabangbuhay, at least during the transition period meron silang mapagkukuhanan.
5. Protektahan ang ating mga naipundar at maisapangalan ito sa kung kanino natin gustong ipamana.
  • Mahal ang estate taxes, kung hindi mababayaran ang estate taxes maaring kunin ng gobyerno ang ari-arian ng namatay at hindi mapakinabangan ng pamilya. Sayang naman ang pinagpaguran mo di ba? Ang iba naman ang ginagawa, ibebenta ang ibang ari-arian para may maipambayad sa matitira.
6. Mahal ang burol.
  • Alam naman natin na hindi biro ang bayad sa burol. Sabi pa ng isang kapwa trainor, kung ang balak mo ay itapon nalang ang iyong katawan sa kung saan, then hindi mo na kailangan kumuha ng insurance. But of course, kahit ganon pa ang sabihin natin sa pamilya natin, wala naman sigurong pamilya ang papabayaan na lang ang labi ng kanilang mahal sa buhay.
7. For PEACE OF MIND.
  • Sabi pa nga ni Jesus sa bawat pagkikita nila ng mga kaibigan nya, PEACE be with you. I never understood this message until na magkaron ako ng trabaho na hindi ko nai-enjoy. Wala akong peace of mind kada papasok ako hanggang sa pagkauwi ko, ang tawag ng iba dito ay stress, ang tawag ko naman, sakit ng ulo. kaya iba talaga ang may peace of mind ka. At bakit naman nasali dito ang peace be with you? Kung alam mong protektado ang pamilya mo, magaan ang loob mo, wala kang stress, mas epektibo ka sa trabaho mo, kung mas epektibo ka sa trabaho mo, mas gaganda ang performance mo at mapapansin ito ng mga boss mo, which may lead into promotion and increase ng sahod mo. O kung negosyante ka, mas lalapitan ka ng customer mo kung hindi mainit ang ulo mo.

Ano ano pa sa tingin nyo ang mga dahilan kung bakit kailangan ang insurance?

Kung meron kang alam na dahilan o mas malalim na dahilan kung bakit kailangan mong kumuha nito, idagdag mo sa comments section. Kung hindi mo rin kailangan ng insurance, idagdag mo din para naman magkaron din ng ideya ang ibang makakabasa.


Share this in facebook if you think kailangang mabasa ng iba, kung hindi naman huwag mo na syang IPOST.


Kung gusto mo na maging insuredi-Message lang ako or i-text sa 09102599003 at pwede tayong magkaron ng financial planning consultation para nakaplano ang Finances mo.

Pwede mo din ako imessage dito

https://www.facebook.com/gustokongyumaman/




No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *