SIMPLE STEPS ON HOW TO SAVE


Isa sa mga pinakamahirap gawin pagdating sa PERA ay ang pag-iipon. Let us look on these simple steps on How we can save up for our future.



Figure out HOW MUCH is your MONTHLY EXPENSES:



Unang paraan ay ang malaman mo kung magkano ba ang ginagastos mo buwan buwan. Hindi ito budgeting, pero ito ang magiging GUIDE natin sa ating magiging monthly budget. Halimbawa ng mga isasama sa listahan ay ang Bills (Kuryente, tubig, telepono, cellphone load), kape, gatas, bigas, pamasahe, baon ng mga bata, etc. Ideally, dapat hanggang huling sentimo ay dapat mailista mo. Ito ay para malaman mo kung saan tayo mag-aadjust pagdating natin sa susunod na step.

MagBUDGET:


Ang paggawa ng budget ay hindi kagaya ng sinasabi natin sa shopping mall na hindi tayo gumagastos dahil nagbabudget tayo. Ang Budget sabi ni Google ay "an estimate of income and expenditure for a set period of time." Ibig sabihin ito ang plano mo na magiging gastos mo halimbawa sa loob ng isang buwan. Dapat ito ay pasok sa kung magkano ang kinikita mo sa isang buwan. Pag lalampas ka ibig sabihin kelangan mo itong bawasan dahil magkakautang ka kung di mo ito magagawan ng paraan. Ito rin ang magiging guide mo para hindi ka sumobra ng gastos na karaniwang problema ng mga pamilyang Pinoy.


Planuhin ang magiging IPON buwan-buwan:


Ngayong alam mo na ang ginagastos mo buwan-buwan at kung magkano ang kelangan mong gastusin, sunod natin planuhin ay kung magkano ang dapat nating ipunin buwan-buwan. Pwede tayo magbawas ng gastusin natin o pwedeng gumawa tayo ng paraan para may extra tayo para sa savings natin. Pinaka-ideal na ipon is 20% ng iyong monthly income. Pero kung hindi kaya, pwede ka mag-umpisa ng 10% or 5%. Ang importante makapag-umpisa ka.


Mag-isip ng DAHILAN PARA MAG-IPON:

Bakit kailangan mong mag-ipon? Sabi pa nga ni Laura Stock; "when the why is strong the how becomes easy". Magset ng goal para sa iyong mga pag-iipon, gaya ng:


1. Pang-emergency fund (3-6 months of monthly expenses)
2. Pang Boracay naming pamilya.
3. Pambili ng kotse.
4. COLLEGE FUND - pang-college ng mga anak ko.
5. RETIREMENT FUND - dapat me ganito na akong ipon  bago ako magretire.
6. Pang downpayment ng bahay ko.
etc.

ALAMIN kung ano ang PRIORITY:


Hindi ibig sabihin na priority ang edukasyon ay dapat ipagwalang bahala na ang iyong retirement. Ito ang karaniwang hindi tamang ginagawa ng mga magulang na Pinoy. Karaniwang maririnig natin na "Hindi ako nakapag-ipon dahil pinag-aral ko muna ang mga anak ko". Tandaan, ang mga anak mo ang magsasakripisyo para sa iyo kung pinagwalang-bahala mo ang retirement fund nyo. Ibig sabihin lang na mas malaki ang iseset-aside nating ipon dun sa mas mahalagang GOAL.


ALAMIN kung saan dapat MAG-IPON:

Marami ang nag-iipon sa banko, ang mahalagang katanungan, makakatulong nga ba ang banko sa ating pag-iipon? Ano ano ang mga instrumentong dapat nating paglagakan?


1. Bank Regular Savings Account (3-6 months of monthly needs)
2. Time Deposit Accounts
3. Stock Market, Mutual Funds, UITF (higher yield, higher risk)
4. Cooperative (offers higher interest rates)
5. Businesses (some businesses offers loan programs to investors)

MAKE SAVINGS a HABIT:

Gawing HABIT ang pag-iipon. Tuwing kelan nga ba dapat mag-ipon? Payo ng isang eksperto, kung kelan ka tumatanggap ng kita o sweldo, dapat nuon ding araw ding yun ka mag-iipon. Kung buwanan kang sumasahod, buwanan din dapat kang nagtatabi ng ipon mo. Kung kinsenas katapusan, kada kinsena o katapusan ka naglalagak sa ipon mo. Kung arawan ka kumikita, araw araw ka rin dapat mag-ipon.


BANTAYAN ANG PAGLAGO NG IYONG IPON AT I-CELEBRATE ANG BAWAT ACHIEVEMENT:


Ugaliing i-monitor ang iyong savings. I-celebrate ang bawat achievement. Mamomotivate ka sa ganitong paraan. Hindi naman ibig sabihin na nag-iipon ka ay dapat puro ipon nalang. Iba kapag motivated ka or inspired ka. Iba ang hatid sa atin kapag may prize tayong nakukuha sa mga achievement.



I-share ang post na ito kung sa tingin mo ay makakatulong ito lalo na sa mga mahal mo sa buhay.

Kung gusto mo mag-invest sa kooperatibang nagbibigay ng mas mataas na interes na safe ang perang ilalagak mo, click mo lang ang message button.


No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *