WHY HAVING AN INSURANCE IS IMPORTANT



photo credit: www.freedigitalphotos.net
Noong nakaraang buwan, meron akong kaibigan na naaksidente sa kalsada. Nasagasaan siya habang tumatawid ng kalsada. Tinakasan pa siya ng driver siguro dahil nakainom ang driver nung nangyari iyon. Ang maganda lang ay kahit papaano ay buhay sya. Buti lang din na binata pa sya at wala pang umaasa sa kanya. At dahil sa advance na technology, na-trace din ang nasabing driver at nangako naman na babayaran ang lahat ng bills niya sa hospital.





Meron pang isang mas masamang nangyari sa isa nating kababayan na naaksidente sa trabaho. Hindi sya sinwerte kagaya ng kaibigan ko. Binawian sya ng buhay habang dinadala sa ospital. Meron syang 2 anak, sole breadwinner pa si kuya. Ang nakakalungkot, last day niya sa trabaho, pauwi sya in two days time at pa out na siya nung nangyari yun.


Ito ang mga pangyayaring nagbukas sa isipan ko na pag aralan kung paano ko masisiguro ang kinabukasan ng pamilya ko sakaling sa akin mangyari ang hindi maganda.


Naisip ko, kaya nga ako nagtatrabaho ay para sa kinabukasan ng mga anak ko.


Hindi naman talaga natin malalaman kung kelan ang aksidente pwedeng mangyari.


Siguro kung merong bolang kristal na magsasabi na may mangyayaring hindi maganda sa atin sa ganitong araw ay kumuha tayo ng insurance agad agad.


Pero hindi natin alam kung kelan. Ang alam lang natin ay posibleng mangyari ito.


Kaya nga din mura ang binabayad natin sa insurance company kumpara sa makukuha natin sa ating coverage ay dahil mas maliit ang posibility na maaksidente tayo.


Ito ang karaniwang tanong ng isang financially illiterate, o yung hindi nakakaalam. Is it fair for us to be paying and end up with nothing in return kung hindi tayo maaksidente?


Ang madalas kung sagot dito ay tanong din, is it fair for the insurance company to be paying someone 10-20 times the money the insured has paid?


Parehas lang naman, so sa tingin ko, it should be fair enough.


May mga napanood ka na bang interview sa mga maybahay ng mga namatay na OFW? Lalo na iyong may maraming anak at mga walang naipundar? Ano ang kadalasang sinasambit ng ine-interbyu? "Paano nalang ang kinabukasan ng mga anak namin? Wala pa kaming sapat na ipon.........  "  at marami pang ibang dahilan. pero bihira o wala pa nga ata akong narinig na nagsabing mamimiss namin siya.


Napanood ko minsan ang eulogy ni Dolphy, kahit alam nating nagdadalamhati ang pamilya nya, hindi nila iniisip na paano na kami na wala na ang taong nagbigay sa amin ng aming pang araw araw. 


Di ba parang mas masayang lumisan pag alam mong ganun ang iiwanan mo? Secured sila?



Noong nahihirapan akong magdecide kung kukuha ba ako ng insurance, gumawa ako ng listahan kung bakit kailangan ko nang maghanap ng kumpanya na mag-i-ensure sa akin.



Tinawag ko itong reasons why I need insurance.


1.  Hindi natin alam kung kelan tayo kukunin ni Lord.



  • Meron na bang nakapagsabi na bukas kukunin na ako ni Lord. Wala pa naman di ba? Meron pa ngang nagsabi na di pa tapos ang misyun ko sa mundo pero maya maya lang ay nabalitaan mo nalang na inatake, o di kaya di na nagising.


2. Para may maiwan tayong ipapamana sa ating mga anak.



  • Sa ngayon na wala pa akong naipupundar na pwede kong ipamana sa mga anak ko, isang maganda at mas murang paraan para may maipamana ay sa pamamagitan na insurance. Halimabawa, kung gusto ko na may maiwan ako sa pamilya ko na 1 milyon, me mga term insurance na pwede kong mabili for around 4,000 pesos. Di ba napakamurang babayaran para sa malaking pamana mo sa pamilya? (Para sigurado ka din na mapapangalagaan ng pamilya mo ang pera na iyan, mas maganda kung magiging financially literate din sila, yung matuto din silang imanage ang pera na maiiwan sa kanila)



3. Pambayad ng utang.



  • Isa sa mga alam nating paraan para mawala ang utang ng isang tao ay kapag namatay na ito. Malamang totoo ito sa tao sa tao na usapan. Pero sa pagkakaalam ko, kapag ang isang tao ay may utang sa isang institusyon o banko, maaring kunin ng kanyang pinagkakautangan ang ilan sa mga properties nito na nakapangalan sa kanya. Click mo ito www.lawphil.net  dahil dyan mababasa ang mga linya tungkol sa pwedeng maghabol kung ang yumao ay may utang kanino man.



4. Protektahan ang mga mahal natin sa buhay.



  • Sa isang sole breadwinner, kailangan talaga ang insurance coverage. Kung mawawala ang breadwinner, saan pa kukuha ng pang-araw araw ang pamilya mo lalo kung ikaw ay wala namang maiiwan na ? Sa hirap ng buhay ngayon sa Pilipinas, malamang kahit ang mga kamag-anak mo ay mahihirapang pakainin ang pamilya mo. So, better if may maiiwan ka, hindi man ito panghabangbuhay, at least during the transition period meron silang mapagkukuhanan.


5. Protektahan ang ating mga naipundar at maisapangalan ito sa kung kanino natin gustong ipamana.



  • Ito naman ay kung may mga naipundar na. Mahal ang estate taxes, kung hindi mababayaran ang estate taxes maaring kunin ng gobyerno ang ariarian ng namatay at hindi mapakinabangan ng pamilya. Sayang naman ang pinagpaguran mo di ba? Ang iba naman ang ginagawa, ibebenta ang ibang ari-arian para may maipambayad sa matitira.


6. Mahal ang burol.




  • Alam naman natin na hindi biro ang bayad sa burol. Sabi pa ng isang kapwa trainor, kung ang balak mo ay itapon nalang ang iyong katawan sa kung saan, then hindi mo na kailangan kumuha ng insurance. But of course, kahit ganon pa ang sabihin natin sa pamilya natin, wala naman sigurong pamilya ang papabayaan na lang ang labi ng kanilang mahal sa buhay.




7. For PEACE OF MIND.



  • Sabi pa nga ni Jesus sa bawat pagkikita nila ng mga kaibigan nya, PEACE be with you. I never understood this message until na magkaron ako ng trabaho na hindi ko nai-enjoy. Wala akong peace of mind kada papasok ako hanggang sa pagkauwi ko, ang tawag ng iba dito ay stress, ang tawag ko naman, sakit ng ulo. kaya iba talaga ang may peace of mind ka. At bakit naman nasali dito ang peace be with you? Kung alam mong protektado ang pamilya mo, magaan ang loob mo, wala kang stress, mas epektibo ka sa trabaho mo, kung mas epektibo ka sa trabaho mo, mas gaganda ang performance mo at mapapansin ito ng mga boss mo, which may lead into promotion and increase ng sahod mo. O kung me negosyo ka, mas lalapitan ka ng customer mo.



Madaming dahilan kung bakit kailangan ang insurance.


Kung meron kang alam na dahilan o mas malalim na dahilan kung bakit kailangan mong kumuha nito, dagdag mo sa comments section. Kung hindi mo rin kailangan ng insurance, idagdag mo din para naman magkaron din ng ideya ang ibang makakabasa.


Share this in facebook if you think kailangang mabasa ng iba, kung hindi naman huwag mo na syang IPOST.


No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *