4 MAJOR REASONS WHY WE ARE STILL POOR

Hindi lingid sa atin na maraming pamilya ngayon ang nahihirapang pagkasyahin ang kinikita. Kung dati ang ama lang ang nagtatrabaho para matustusan ang gastusin ng pamilya kasama ang sampung anak.
Ngayon, ang sampung anak ay hirap na matustusan ang pangangailangan ng magulang.

Karamihan pa ngayon, ang mag-asawa ay kailangan magtabaho pareho para lang mairaos ang pamilya. Ang masaklap pa, kung may matanggal sa trabaho, o may nagkasakit sa mga anak ay bankarote na ang aabutin.

Madami din ang mga retirees na kahit 30 taon nagtrabaho, pagkalipas lang ng 2 o 3 taon ay aasa na sa anak at naghihirap na.

Bakit nga ba nagkakaganito ang karamihan sa mga Pinoy?

Base sa isang artikulo, inisip ng karamihan na hindi nila kailangan ang maging financially free. As long as kumikita sila ay ok lang sila.

Kapag nagkaron ng aberya sa pamilya, iniisip ng karamihan na pansamantala lang ito at malalagpasan naman.

Hindi convenient para sa mga taong ito ang magtabi para sa kinabukasan.

Pero ito ang alam kong sure sa ating lahat.

"PEOPLE NEVER PLAN TO FAIL, THEY SIMPLY FAIL TO PLAN"

Kahit anong estado man ng buhay natin naroon tayo ngayon ay kailangan nating magplano.

Wala man tayong perang pangsave o pang-invest, pero kelangan pa rin natin magplano.

Marami man tayong pera at ari-arian kelangan nating pagplanuhan ito.

Lahat tayo ay kinakailangan na magplano/maghanda para sa mga future needs ng pamilya natin, mapalong term man o short term.

Ito ang apat na pagkakamali na karaniwan nating ginagawa;


  1. Lack of planning - ang karaniwang excuse natin dito ay "what goes around, comes around". "Bahala na si Batman"
  2. Lack of knowledge - "Ay hindi ko alam iyan."  "Wala akong oras para pag aralan yan. " Busy ako eh.
  3. Depend on someone else - "hindi naman ako papabayaan ni daddy, ni kuya na nasa Dubai, ni ate na nasa Saudi."
  4. Procrastination - Next month mag uumpisa na talaga akong mag ipon. Next year mag-iinvest na talaga ako para sa pangcollege ng anak ko.

Create a definite plan for carrying out your desire, & BEGIN at once, whether you are READY OR NOT, to put this plan into ACTION!

Sabi pa nga ni Bro. Bo Sanchez sa isang talk nya sa The Feast, ito ang nagin tema nun.

"READY, FIRE, AIM"

If you want to learn more, just send me a message at bugs052603@yahoo.com





No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *