HOW DOES MUTUAL FUND WORKS

Isusulat ko na din ang request ng kaibigan ko tungkol sa papano ba nagwowork ang mutual fund.

O mas maige sigurong, papaano ba magbebenefit pag nag invest sa Mutual Fund.

Una nating talakayin ay kung papaano nagwowork ang mutual funds.


Ang mutual fund ay isa sa tinatawag nilang pooled funds. Pooled because this funds are invested by several people and handled by a professional stock market investor na siyang magbabantay at magpapalago ng nabuong fund. Hindi kailangan na parepareho ang share ng bawat investor so kahit maliit ang investment mo, pwede kang sumali at mag invest kagaya ng may malalaking funds.


Ang illustration na ito ay mas magandang halimbawa kung paano nabubuo ang mutual fund.



Kunyari ang mutual fund ay isang negosyong balak mong itayo. Ang mga kaibigan mo, since kilalang kilala ka at alam nila ang kakayahan mo na palaguin ito kahit dumating ang araw na medyo hindi maging maayus ang takbo ay ok lang sa kanila, naisip nilang makisosyo sa iyo.

So, napagkasunduan niyo na ikaw ang magpapatakbo ng negosyo at babayaran ka nila ng MANAGEMENT FEE. (Ito ang isa sa mga binabayad natin sa mutual fund companies. I'll post some link here para di ko na isulat kung ano ang mga fees na kailangan bayaran). Tapos ang sobra ay ididivide base sa laki ng naihulog ng bawat investor. Ito naman ang tinatawag nilang NAVPS (net asset value per share)

Let's make a sample illustration of how to compute the number of shares.

TOTAL INITIAL INVESTMENT - 100 PESOS

total investment  =  100 pesos, now to compute the number easily let's say we compute 1 peso per share.

The share per person will look like this now.

TOTAL NUMBER OF SHARES = 100 SHARES

Sa first month, ang nangyari maganda ang naging takbo ng negosyo. Ang iyong 100 pesos, bawasan na lahat ng bayarin (management fees and all) umabot na sa 150 pesos. Ibig sabihin tumubo na kayo ng 50 pesos.


TOTAL NUMBER OF SHARES 100 SHARES / TOTAL VALUE = 150 PESOS

Since maganda ang takbo ng negosyo, ni retain ng mga kaibigan mo ang pera nila.

Kaso, nung second month nagkaron ng financial crisis. Ang dating nasa 150 pesos na negosyo ay naging 50 pesos nalang. Lumabas na ang presyo kada share ay umaabot nalang ng 50 centavos. Tingnan natin ang kalalabasan.



Ngayon, ang isa sa mga investor si FRIEND 2 ay nagalit. Hindi daw maganda ang ginagawa mo. Sabi niya kukunin nya nalang ang perang nainvest nya sa negosyo. Sabi naman ni FRIEND 1, dahil may tiwala sya sa iyo at sabi nya na kesa naman pinambili ko ng alak ang 40 ko at may 4 na piso pa naman syang pambili sana ng yosi, bilhin nya nalang ang share ni FRIEND 2. Natuwa naman itong huli kasi siya nalang daw ang bibili ng yosi. So si FRIEND 1 nagkaron na ng investment na 44 pesos pero ang number of shares nya ay 48, galing sa 40 original shares nya at 8 galing kay FRIEND 2.

Si FRIEND 4 naman walang sinabing masama pero natakot din kasi daw baka maubos pa ang pera. Sayang naman din ang P7.50 niya. Pwede daw nya itong ibili ng taho pag dumaan ang magtataho maya maya.

Narinig ni Misis mo at sinabing, siya nalang ang magbabayad kay FRIEND 4. So binayaran ni Misis mo ng P7.50 si FRIEND 4 mo para sa 15 shares.

Si FRIEND 3, sabi niya malaki naman ang tiwala niya sa iyo at di naman niya kailangan ang pera simula nung inabot niya sa iyo at kesa naman magastos pa kung saan saan kung kukunin niya ito ay hayaan nalang daw sa negosyo niyo.

So ganito na ang magiging illustration ng negosyo niyo.

TOTAL NUMBER OF SHARES = 100  / TOTAL VALUE = 50 PESOS


Noong pang apat na buwan, umalis si FRIEND 1 para magtrabaho sa Korea. Si FRIEND 3 naman ay nag CANADA. Halos nakalimutan na nila ang nilagay sa negosyo niyo. Si FRIEND 2 at 4 bigla nalang din nawala sa sirkulasyon mo.

Ikaw naman, since ikaw ang nagmamanage ng negosyo binantayan mo lang sya at pinalago.

Makalipas ang 5 taon, nagkaroon kayo ng reunion. Umuwi ang mga kaibigan mo. Nakita nila na namamayagpag na ang iyong negosyo. Si FRIEND 1 at FRIEND 3 pinatawag mo para ipakita sa kanila ang total amount na ng kanilang mga investment. Out of curiosity, itong si FRIENDS 2 at 4 ay nakisali na din, tutal naman daw kasama sila nung nag umpisa kayo

Pinaliwanag mo ngayon sa kanila na ang inyong maliit na negosyo noon, kahit nagkaroon man ito ng ups and downs ay nasa P100,000.00 na ang net worth. Ibig sabihin, ang value kada share ngayon ay P1,000.00. Since ang initial niyong puhunan ay P100.00 at ito nga ay nasa P100,000.00 na.

Ipinakita mo ngayon ang illustration na ito.

TOTAL NUMBER OF SHARES 100 / TOTAL VALUE = P 100,000.00

Namangha silang lahat pati si Misis mo kasi di niya din naman alam na mayroon palang potential kahit maliit na puhunan basta ito'y palalaguin lang over time.

Si FRIEND 2 at FRIEND 4 naman ay parang nanghinayang pero dahil di pa naman daw huli ang lahat kaya gusto nilang bumili ng shares.

Napagkasunduan naman ninyo kasama ang 3 pang ibang nag invest na ok lang.

Si misis mo, naatat magbenta ng share dahil bibili daw sya ng bagong TV ay ibinenta ang 5 shares nya kay FRIEND 2. So naglabas ngayon si FRIEND 2 ng P 5,000.00.

Si FRIEND 4 naman inalok si FRIEND 1 na ibenta nalang sa kanya ang 8 shares at pumayag naman ito kaya naglabas agad sya ng P 8,000.00

Ganito na ang magiging table of shares ng company mo.


TOTAL NUMBER OF SHARES = 100

Makalipas ang dagdag na sampung taon. Ang negosyo mo ay nagkaroon ng worth na P 1,000,000.00.

Magkano na ang magiging price per share? Icompute nyo nalang.

Kapag nalaman niyo pano magcompute ng NAVPS niyan, ready na kayo sa larangan nang pag iinvest. HAHA...

Sana ito'y makatulong sa iyo kaibigan.

Kung paano mag invest at ano anong mga fees ang kailangan bayaran pag nag invest ka sa mutual fund ay narito sa link.

http://mutualfundphilippines.com/2011/11/faq/what-are-the-fees-involved-in-investing-in-mutual-funds/

Paalala: ang mga data dito ay base lamang sa agam agam ng may akda. Walang kasiguruhan ang pag-iinvest mapa-banko man, negosyo, insurance company. Even States and Countries have declared bunkruptcies. So invest at your own risk.

No comments:

Post a Comment

Contact ME

Name

Email *

Message *